Ang Dalawang Pagsaksi sa Pananampalataya
Ang Kahulugan ng 'La Ilaaha Illa-Allah'
Ito ang diwa ng Tawheed.Sa pamamagitan ng konseptong ito, nilikha ng Allah ang lahat (sangkatauhan, jinn, anghel at maging ang di-nakikita o nakatagong bagay) at sa konseptong ito, nilikha Niya ang Jannah (Paraiso) at ang Jahannam (Impiyerno). Ang Allah (y) ay nagsabi sa "At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na sila ay nararapat na sumamba sa Akin (tanging sa Akin lamang)."Qur'an, Kabanata Adh-Dhaariyaat, 51:56;
Ito ang paniniwala na ipinag-anyaya ng mga Propeta at Sugo sa kanilang mga mamamayan, nagmula pa noong panahon ni Adan hanggang sa Huling Sugong si Muhammad. Ang Dakilang Allah (y) ay nagsabi,"At hindi Kami nagpadala ng sinumang Sugo bago pa man sa iyo (O Muhammad) maliban na Aming ipinahayag sa kanya (na nagsasabing): "La ilaha ilallah (walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah), kaya sambahin Ako (tanging Ako at wala ng iba pa)."( Qu'ran, Kabanata Al-Anbiyaa; 21:25;)
Ang Kahulugan ng 'Shahaadah'
- Ang Allah (y) ang Siyang Tagapaglikha sa lahat ng bagay. Ang Allah (y) ay nagsabi,
"Siya ang Allah, ang inyong Rabb! La ilaha illah Huwa (walang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya), ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Kaya, sambahin Siya (tanging Siya lamang), at Siya ang Wakil (tagapangalaga) sa lahat ng bagay." (Qur'an, Kabanata Al-An'aam, 6:102;) - Ang Allah ang nagmamay-ari sa lahat ng Kanyang nilikha. at Siya (a) ang tagapamahala sa lahat ng gawain at pangyayari".. Ang Allah ay nagsabi,"Sa Kanya ang (Ganap na Kapangyarihan ng gawang) paglikha at pag-uutos. Mapagpala ang Allah, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilikha."( Qur'an, Kabanata Al-Araaf, 7:54;)
- Tanging ang Allah (y) lamang ang karapat-dapat sambahin" nang buong puso at kaluluwa. Siya (a) ay nagsabi,"Walang alinlangan! Katotohanan! na ang Allah lamang ang nag-aangkin ng anupamang nasa mga kalangitan at anupamang nasa kalupaan. At yaong sumasamba at dumadalangin sa iba pa bukod sa Allah, (katotohanan na) sila ay hindi sumusunod sa mga itinuturing nilang katambal (ng Allah), bagkus kanilang sinusunod lamang ang mga haka-haka at sila ay naglulubid lamang ng kasinungalingan. ( Qur'an, Kabanata Yunus, 10:66;)
- Ang Allah (y) ang nagmamay-ari ng mga Magagandang Pangalan at ang Kanyang taglay na mga Katangian ay Ganap at Lubos. Siya ay malayo sa mga kakulangan, kapintasan at kamalian". Ang Allah (y) ay nagsabi, "At (lahat ng) naggagandahang mga Pangalan ay nauukol sa Allah (lamang), kaya manalangin sa pamamagitan ng mga iyon at lisanin ang pangkat na nagpapasinungaling o nagtatakwil sa Kanyang mga Pangalan. Sila ay pagbabayarin sa anumang lagi nilang ginagawa."(Qur'an, Kabanata Al-A'raaf, 7:180;)
Ang Mga Patakaran ng Shahaadah
Hindi sapat na bigkasin lamang ang Shahaadah upang ito ay tanggapin ng Allah (y) . Ang Shahaadah ay itinuturing na isang susi sa pintuan ng Paraiso, datapwa't upang ito ay maging makabuluhan, kinakailangan ang tamang patunay nito. Ang Shahaadah ay dapat tugunan ng mga sumusunod na mga patakaran upang ito ay tanggapin ng Allah (y) .
- Karunungan (Al-Ilm): binubuo ng kaalaman na ang lahat ng mga ibang bagay na sinasamba bukod sa Allah (y) ay mga huwad na diyos maging ito man ay isang dakilang Propeta, Sugo o isang marangal na anghel. Walang sinuman o anupaman sa mga nilikha ang maaaring ituring bilang diyos, o naging diyos, magiging diyos o may pagkadiyos, o may kahati sa pagkadiyos. Tanging ang Nag-iisang Tagapaglikha ang Siyang Tunay na Diyos. Samakatuwid, walang ibang diyos na dapat sambahin sa katotohanan maliban sa Allah . Ang Allah (y) lamang ang nararapat na pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba, tulad ng pagdarasal (Salaah), pagdalangin (Du'aa), pagluhog ng pag-asa, pag-aalay at panunumpa, at iba pa.
Sinuman ang nag-alay ng anumang uri ng pagsamba sa iba pa bukod sa Allah (y) , siya ay nagkasala ngKufr", kahit na siya ay bumigkas ng Shahaadatain. - Katiyakan (Al-Yaqeen); Ang puso ay nararapat na nakatitiyak sa kahulugan ng dalawang Shahaadah. Ang katiyakan ay kabaligtaran ng pag-aalinlangan, kaya, walang puwang para sa isang Muslim na mag-alinlangan o mag-atubili sa kanyang paniniwala. Ang Allah (y) ay nagsabi,"Katotohanan, ang tunay na Mananampalataya (Muslim) ay yaon lamang na (tapat na) nananalig sa Allah at sa Kanyang Sugo, at pagkaraan ay hindi nag-alinlangan bagkus nagtanggol (at nakipaglaban) sa Landas ng Allah (Jihad) sa pamamagitan ng kanilang yaman at (inihandog ang) sariling buhay. Sila yaong tunay na makatotohanan."(Qur'an, Kabanata Al-Hujuraat, 49:15;)
- Pagtanggap (Al-Qubool); Nararapat na tanggapin ang mga patakaran ng Shahaadah nang buong puso at walang itinatakwil sa anumang bahagi nito" Ang Allah (y) ay nagsabi;"Katotohanan, kapag sila ay pinagsasabihan ng: "La ilaha illa Allah (walang iba pang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah), umiiral sa kanilang mga sarili ang kapalauan (at sila ay nagtatakwil sa katotohanan)."(Qur'an, Kabanata, As-Saffaat; 37:35)
- Pagsuko at Pagtalima (Al-Inquiad); ito ay pagsunod, pagsasagawa at pagsasakatuparan ng lahat ng tungkuling hinihingi at kinakailangan ng Shahaadah". Ang isang tao ay nararapat na sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ng Alla111 h at umiwas sa mga ipinagbabawal. Ang Allah (y) ay nagsabi,"At sinuman ang ganap na isinuko ang sarili sa Allah samantalang siya ay Muhsin" (gumagawa ng kabutihan) magkagayon, kanyang tinanganan ang pinakamatibay na hawakan (ang La ilaha ill-Allah). At sa Allah ang pagbabalik ng lahat ng bagay tungo sa pagpapasiya (sa lahat ng pangyayari)." (Qur'an, Kabanata Lukman, 31:22;)
- Makatotohanan (As-Sidq); nararapat na makatotohanan at dalisay ang pagpapahayag ng Shahaadah. Ang Allah (y) ay nagsabi, ( "… Sila ay nagsasabi sa kanilang bibig (lamang) nguni't wala (naman) sa kanilang puso…” )(Qur'an, Kabanata Al-Fath, 48:11;)
- Katapatan (Al-Ikhlas); nararapat na iukol ang lahat ng pagtitiwala at pagsamba sa Allah (y) lamang". Ang Allah (y) ay nagsabi, "At sila ay hindi napag-utusan maliban na sila ay sumamba (lamang") sa Allah, maging matapat sa pananampalataya sa Kanya, maging matuwid at magsagawa ng Salaah (pagdarasal), at magbigay ng Zakah (kawanggawa), ito ang tunay (at tuwid) na pananampalataya."(Qur'an, Kabanata Al-Bayyinah, 98:5;)
- Pagmamahal (Al-Mahabba); nararapat na mahalin ang Shahaadah at lahat ng pangangailangan nito. Nararapat niyang mahalin ang Allah , ang Kanyang Sugo (s) at ang Kanyang mga mabubuti at matutuwid na alipin. At nararapat niyang kapootan ang mga napopoot sa Allah at sa Kanyang Sugo (s). Kailangang higit niyang naisin ang anumang minamahal ng Allah at ng Kanyang (a) Sugo (s) kahit na ito ay salungat sa kanyang hangarin. Ang Allah (y) ay nagsabi;"Sabihin: 'Kung ang inyong mga ama, inyong mga anak na lalaki, inyong mga kapatid na lalaki, ang inyong mga asawa, ang inyong mga kamag-anakan, ang inyong kayamanang pinagkitaan, ang inyong kalakal na pinangangambahang malugi, ang inyong mga tahanang ikinasisiya ay higit na mahalaga sa inyo kaysa sa Allah at sa Kanyang Sugo, at sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah, magkagayon, kayo ay magsipaghintay hanggang dalhin ng Allah ang kanyang Pasiya (parusa). At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong Fasiq (mapanghimagsik, palasuway sa Allah)."( Qur'an, Kabanata At-Tawbah, 9:24;)
Ang Shahaadah ay nag-uutos din na ang Allah (y) ang Tanging Isa na may karapatang magtakda, maging sa larangan ng pagsamba o sa anupamang pangyayari o bagay na ukol sa ugnayan ng tao, maging ito man ay pansarili o pangkalahatan.
Ang mga pagpapairal ng mga batas para sa mga ipinagbabawal o ipinapatupad ay kailangang magmumula lamang sa Allah . Ang Sugo (s) ay siyang tagapagpaliwanag at tagapagbigay-linaw sa Kanyang (a) mga kautusan. Ang Allah (y) ay nagsabi,
"…Kaya't inyong sundin o kunin ang anumang itinatagubilin (o ipinag-uutos) sa inyo ng Sugo at anuman ang kanyang ipinagbabawal sa inyo, ito ay inyong iwasan…"( Qur'an, Kabanata Al-Hashr, 59:7;)