Ang Mga Mabubuting Bunga ng Iman (Paniniwala) sa Allah
-
Ang Kalayaan at Kaligtasan Sa Maling Pagsamba; Kapag tinutupad ng isang tao ang mga patakaran ng Shahaadah, magiging ligtas siya sa pagsamba sa ibang nilikha at maitutuon niya ang lahat ng pagsamba sa Nag-iisang Rabb (ang Allah (y), U). At ito ang mag-aakay sa tao upang maging malaya sa anumang uri ng maling pagsamba Shirk. Ang Allah ay nagsabi, "Sabihin: 'Sabihin mo sa akin kung gayon, ang mga bagay na inyong dinadalanginan bukod sa Allah - kung ang Allah ay maglayon ng kapinsalaan sa akin, sila ba (na inyong dinadalanginan) ay makapag-aalis ng kapinsalaan Niya? O kung Siya (Allah) ay maglayon ng ibang Habag sa akin, maaari kaya nilang pigilin ang Kanyang Habag? Sabihin: “Sapat na para sa akin ang Allah; yaong nananalig (nagtitiwala sa Kanya) ay dapat ibigay (nang lubusan) ang kanilang pananalig (pagtitiwala)."Qur'an, Kabanata Az-Zumar, 39:38;
-
Ang Kapanatagan, Kapayapaan Sa Puso, Isip at Kaluluwa; Ang Allah (y) ay nagsabi. "Sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ng Allah), at sa kanilang puso ay nakadarama ng katiwasayan sa pag-aala-ala sa Allah, katotohanan, sa pag-aalaala sa Allah, ang mga puso ay nakatatagpo ng kapahingahan." Qur'an, Kabanata Ar-Ra'd, 13:28;
-
Ang Damdamin Ng Kaligtasan sa pamamagitan ng kaalaman na may Isang Mapagbabalingan sa panahon ng kahirapan, at ito ay walang iba kundi ang Dakilang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilalang, ang Nag-iisang Allah . Ang Allah (y) ay nagsabi, "At kung ang panganib ay sumapit sa inyo habang kayo ay nasa dagat, yaong inyong mga dinadalanginan bukod sa Kanya ay naglalaho sa inyo maliban sa Kanya (ang Allah lamang). Datapwa't nang kayo ay Kanyang idaong ng iligtas sa kalupaan, kayo ay nagsisitalikod (sa Kanya). At ang tao ay lagi nang walang pasasalamat (sa Kanya)." Qur'an, Kabanata Al-Israa, 17:67;
-
Ang Damdamin Ng Espirituwal Na Kaligayahan Ng Kaluluwa Sa Pagsamba sa Allah (y) . Ito ay sa dahilan na ang hangarin na matamo (ang Jannah) ay hindi maaabot maliban pagkaraan ng kamatayan. Kaya naman makikita mong nagpupumilit at nagtitiyagang marating ang minimithi sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan, buong puso at buong katapatang nagsusumikap na gampanan ang lahat ng gawang pagsamba sa Allah . Ang Allah (y) ay nagsabi, "Sabihin mo (O Muhammad!); Katotohanan, ang aking Salaah, ang aking pag-aalay (bilang pagkatay at paghandog ng hayop), ang aking buhay, ang aking kamatayan ay para sa Allah lamang, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng mga nilalang. Siya ay walang katambal (na iba pa sa pagsamba sa Kanya). At dito, ako ay pinag-utusan, at ako ang manguna sa mga Muslim."Qur'an, Kabanata Al-An-aam, 6: 162-163;
-
Ang Patnubay at Tagumpay na ipagkakaloob ng Allah sa mga taong naniniwala sa Kanya. Ang Allah (y) ay nagsabi, "… at sinuman ang naniniwala (sumasampalataya) sa Allah, pinapatnubayan Niya ang kanyang puso..."Qur'an, Kabanata At-Taghaabun, 64:11;
-
Ang Pagmamahal Sa Mga Gawaing Makatuwiran at Makatarungan at ang pagpapalaganap nito sa lipunan. Ang Allah (y) ay nagsabi, "Kaya’t sinuman ang gumawa ng katiting na timbang ng kabutihan ito ay (tiyak na) kanyang matutunghayan."Qur'an, Kabanata Al-Zalzalah, 99:7;
Ang Propeta Muhammad (s) ay nagsabi; "Katotohanan ang isang umakay sa ibang tao upang gumawa ng mabubuting gawain ay tulad ng isang taong gumawa ng mismong kabutihan (i.e. makatatanggap siya ng katulad na gantimpala)." (Iniulat ni Tirmidhi)
Ang isang taong may pananampalataya sa Allah (y) ay dapat magkaroon din ng paniniwala sa lahat ng bagay na Kanyang ipinahayag, ito ay ang mga sumusunod;