Ang Paniniwala sa Mga Propeta at Sugo ng Allah
Dapat maniwala bilang Muslim na ang Allah (y) ay pumili ng mga mabubuting tao mula sa lipon ng sangkatauhan bilang mga Propeta at Sugo na Kanyang ipinadala sa lahat ng nilikha upang magdala ng partikular na batas; upang sambahin at tumalima sa Allah (y) , at magtatag ng Kanyang Relihiyon at mapanatili ang Kanyang Kaisahan (Tawheed). Ipinag-utos sa mga Propeta na ipahayag ang Kanyang mensahe sa sangkatauhan upang walang maipangangatuwiran laban sa Allah (y) ( 1 ) o walang maibibigay ng dahilan sa di-pagsunod pagkaraang naipadala ang mga Sugo. Sila ay nagagalak sa pagtalima sa Allah (y) at sa Kanyang Paraiso na nakalaan para sa mga taong may paniniwala dito at sa mga kautusan o aral. Sila ay ipinadala bilang tagapagbabala , at nagbigay ng mahigpit na babala sa Poot ng Allah (y) at sa Kayang Parusa na nakalaan sa mga taong hindi naniniwala sa mga ito at sa mga kautusan o aral. Ang Allah ay nagsabi, "At hindi kami magpapadala ng mga Sugo maliban bilang tagapaghatid ng Magagandang Balita at bilang Tagapagbabala. Kaya, sinuman ang naniniwala at gumagawa ng gawang matuwid, sa kanila ay walang (mararanasang) pangamba, o (madaramang kalungkutan). Subali't yaong nagsipagtakwil sa Aming mga Ayat (aral, tanda o babala, at kapahayagan), ang parusa ay darating sa kanila nang dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya (sa kanilang pagtakwil sa Mensahe ni Muhammad, r)."(Qur'an, Kabanata Al-An'aam, 6:48-49;)
Maraming isinugong mga Propeta at Sugo, nguni't walang sinumang nakakaalam sa kanilang bilang kundi ang Allah . Ang Allah (y) ay nagsabi, "At tunay nga, na Aming ipinadala ang mga Sugo nang una pa sa iyo (O, Muhammad): ang ilan sa kanila ay Aming ibinalita ang kanilang kasaysayan sa iyo. At ang iba sa kanila ay hindi Namin ibinalita ang kanilang kasaysayan…" (Qur'an, Kabanata Al-Ghaafir, 40:78;)
Nararapat paniwalaan na ang lahat ng Propeta at Sugo ay likas na tao at hindi sila hihigit pa sa karaniwang tao. Kung mayroon man silang mga himalang ginawa, ito ay nasa kapahintulutan ng Dakilang Allah . Ang Allah (y) ay nagsabi,"At hindi Kami nagsugo bago pa man sa iyo (O Muhammad) maliban na sila ay mga taong katulad mo na Aming pinagpahayagan. Kaya, tanungin mo ang mga mamamayang pinagkalooban ng babala kung ito ay hindi ninyo nababatid. At hindi Namin sila (mga Sugo) nilikha na may katawang hindi kumakain, o di kaya sila ay walang mga kamatayan." (Qur'an, Kabanata Al-Anbiyaa, 21:7-8;)
Wala silang katangian na tulad ng mga likas na Katangian ng Allah (y) . Ang mga ito ay hindi makapagbigay ng anumang pakinabang o kabutihan at hindi makapagdudulot ng anumang kapinsalaan. Hindi sila makapamahala ng kahit na ano sa buong sansinuklob o kahit na anong ibig nilang gawin na ikasisiya nila sa mga ito. Wala silang magagawa kung hindi ipahihintulot ng Allah na mangyari ang anumang bagay. Ang Allah (y) ay nagsabi,"Sabihin mo (O Muhammad) "Ako ay walang kapangyarihan upang ito ay makapagdulot ng kabutihan o kapinsalaan sa aking sarili maliban sa kapahintulutan ng Allah. Kung ako man ay mayroong kaalaman tungkol sa Al-Ghaib, marahil ako ay naglaan para sa aking sarili nang masaganang yaman, at marahil walang anumang kasamaan ang maaaring sumaling sa akin. (Subali't, ang katotohanan nito) Ako ay isa lamang tapapagbabala, at isang tagapaghatid ng Magagandang Balita para sa mga taong nananampalataya. …'"(Qur'an, Kabanata Al-A'raaf, 7:188;)
Kung ang isang tao ay naniniwala lamang sa ilan at hindi pinaniniwalaan ang lahat ng Sugo at Propeta, siya ay nagkasala ng 'Kufr'' (kawalan ng pananampalataya) at siya ay itinuturing bilang isang taong lumisan sa relihiyon ng Islam. Ang Allah (y) ay nagsabi,"Katotohanan, yaong mga hindi nananampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at nagnanais magbigay ng pagtatangi sa Allah at ng Kanyang mga Sugo na nagsasabing: “Kami ay naniniwala sa ilan (sa mga Sugo) subali’t tinatanggihan (namin) ang iba,” at (sila’y) nagnanais tumahak sa pagitang landas (ng paniniwala at kawalan ng paniniwala). Ang katotohana’y sila ay hindi (tunay na) mga Mananampalataya. At Aming inihanda sa mga Kafirun ang isang kahiya-hiyang parusa.(Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:150-151;)
Kabilang sa lipon ng mga Sugo ay ang mga tinatawag na "Ulul-A'zam" o sila ang mga may 'Matibay na Kalooban'. Sila yaong mga matatag na Sugo sa kanilang mga mamamayan na may katapatan at katiyagaan sa kanilang layunin. Kabilang sa hanay na ito sina Noah (Nuh), Ibraheem (Abraham), Musaa (Moises), Eisaa (Hesus) at si Muhammad, nawa'y purihin at itampok ng Allah (y) ang pagbanggit sa kanila at sila ay iligtas at maging ang kanilang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan'.
Ang unang sugo sa mga ito ay si Noah (a). Ang Allah (y) ay nagsabi,
"Katotohanan, Aming ipinadala ang Kapahayagan sa iyo (O Muhammad) katulad ng Aming pagpapadala ng kapahayagan kay Nuh (Noah) at sa mga Propeta pagkaraan niya. Amin (ding) ipinadala ang Kapahayagan kina Ibrahim (Abraham), Ishaq (Isaak), Ya’qub (Hakob), at Al-Asbat [ang mga supling ng labindalawang anak ni Hakob], Eissa (Hesus), Ayyub (Job), Yunus (Jonah), Harun (Aaron), at Sulaiman (Solomon); at kay Dawud (David) ay Aming ibinigay ang Zabur (Psalmo)."(Qur'an, Kabanata An Nisaa, 4:163;)
Si Muhammad (s) ay siyang sagka at panghuling sugo at wala nang sugo na darating pa pagkaraan niya (s) hanggang sa Huling Sandali. Ang Allah (y) ay nagsabi, "Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan, nguni't Siya ang Sugo ng Allah at huli sa (kawing ng) mga Propeta. At ang Allah ang lagi nang Ganap na Maalam sa bawa't bagay."(Qur'an, Kabanata Al-Ahzaab, 33:40;)
Ang relihiyon ni Ang Propeta Muhammad ay ang katipunan o kabuuan ng mensahe ng Allah (y) para sa sangkatauhan, at ito ang nagpawalang-bisa sa mga naunang mga relihiyon. Ito ang ganap at pinakahuling relihiyon ng katotohanan na nararapat sundin at ito ay mamamalagi hanggang sa Huling Sandali.
Sino si Ang Propeta Muhammad?
Ang kanyang buong pangalan ay Muhammad bin Abdullah bin Abdul-Muttalib bin Haashim, at ang kanyang 'kunyah' ay Abdul-Qaasim. Siya ay mula sa tribu ng Qureish na ang mga ninuno ay nagmula kay 'Adnaan'. Si 'Adnaan' (a) ay mula sa mga anak ni Ismael (a), ang Propeta ng Allah (y) at anak ni Abraham (a), ang 'Khaleel' (a). Ang Propeta ay nagsabi;"Katotohanang hinirang ng Allah ang tribu ng Kinaanah nang higit kaysa ibang tribu ng mga Anak ni Ismaael; Pinili Niya ang Quraish nang higit mula sa tribu ng Kinaanah; at pinili Niya ang Banu Haashim higit kaysa sa mga ibang angkan ng Quraish; at hinirang Niya ako mula sa Banu Haashim."(Iniulat ni Imam Muslim)
Natanggap niya (s) ang unang rebelasyon mula sa Allah (y) noong siya ay may apat-napung taong gulang at siya (s) ay nanirahan ng labing tatlong taon sa Makkah sa pagpapalaganap ng Kaisahan (Tawheed) ng Allah (y) . Pagkaraan, nang siya ay humayo at nag-ibang bayan patungong Madeenah at siya ay nagpalaganap ng Islam sa mga naninirahan doon at ito ay kanilang tinanggap nang buong puso. At doon ipinahayag ang kabuuan ng pagbabatas (ang Qur'an). Nasakop niya (s) ang Makkah pagkaraan ng walong taon ng kanyang pag-likas sa Madeenah at siya (s) ay namatay sa gulang na animnaput-tatlo, matapos na maipahayag sa kanya ang kabuuan ng Qur'an. Ang buong pagbabatas ng relihiyon ay ipinahayag nang ganap na walang kakulangan, at tinanggap ang Islam ng lahat ng mga Arabo.
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Sugo at Propeta
- Ating lubos na mauunawaan ang habag at pagmamahal ng Allah (y) para sa Kanyang mga alipin, sa dahilang nagpadala Siya (a) ng mga Sugo at Propeta upang ipaghayag ang Kanyang Relihiyon at sila ay nagbigay ng tunay na halimbawa kung papaano isakatuparan ang tamang pamumuhay bilang alipin at kung paano ipalaganap ang katotohanan ng kanilang mensahe.
- Ating lubos na makikilala ang mga tapat at tunay na Mananampalataya mula sa ibat-ibang paniniwala sa dahilang tungkulin ng bawa't Mananampalataya na pag-aralan at maniwala sa mga ibang Propeta at Sugo na nakatala sa kanilang mga aklat.
- Ating paniwalaan ang kani-kanilang Propeta at Sugo tulad ng paniniwala natin sa huling dumating na Propeta at Sugo ng Allah (s) na si Muhammad (Nawa'y purihin at itampok ng Allah (y) ang pagbanggit sa kanya) at silang yumakap sa Islam ay makatatanggap ng dalawang gantimpala.