Ang Mga Iba't Ibang Gawain (o Bagay) na Ipinagbabawal ng Islam
-
Ipinagbabawal ang alak at lahat ng mga gamot na nakalalasing at nakalalango o katulad nito, kahiman ito ay kinakain, iniinom, sinisinghot o kaya iniiniksyon. Ang Allah (y) ay nagsabi, "O kayong Mananampalataya! Ang lahat ng Khamr (inuming nakalalasing) at ang sugal at ang Ansab at ang Azlam (ang paggamit ng palaso upang hanapin ang kapalaran o pagpapasiya) ay mga gawaing kasuklam-suklam mula sa Satanas. Kaya, (mahigpit na) iwasan ang lahat ng ito upang kayo ay magsipagtagumpay. Nais lamang ng Satanas na maghasik ng galit at poot sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng Khamr (mga inuming nakalalasing) at sugal at (nais niyang) hadlangan kayo sa pagbibigay-alaala sa Allah at mula sa pagtupad ng Salaah (pagdarasal). Kaya, kung gayon, hindi ba kayo iiwas? ( Qur'an, Kabanata Al-Maa'idah, 5:90-91; )
-
Ipinagbabawal ang pagkain ng mga patay na hayop, baboy at lahat ng mga bagay na sinabi ng Allah (y) sa "Ipinagbabawal sa inyo (bilang pagkain) ang mga: Maytah (patay na hayop, mga hayop na hindi kinatay), dugo, laman ng baboy at ang mga kinatay na hindi sinambit ang Ngalan ng Allah bilang pag-aalay sa iba bukod sa Kanya o di kaya’y kinatay upang ialay sa mga dinadalanginang idolo) o kaya’y pinatay sa pamamagitan ng sakal (bigti) o ng marahas na hampas o pagkahulog o sa pamamagitan ng pagsuwag ng mga (matutulis na) sungay at yaong ibang bahagi nito ay kinain (nilapa) na ng mga mababangis (o ligaw) na hayop maliban na lamang kung ito ay inyong kinatay bago nalagutan ng hininga. At sa (mga hayop din) na kinatay (bilang gamit) sa An-Nusub (dambanang bato). (Ipinagbabawal rin sa inyo) ang paggamit ng palaso (o busog) sa paghahanap ng kapalaran o pasiya…"( Qur'an, Kabanata Al-Maa'idah, 5-3; )
-
Sa mga kinakain na sinadyang hindi binabanggit ang Pangalan ng Allah (y) , o kaya ay sinadyang pinatungkol sa iba maliban sa Ngalan ng Allah sa oras ng pagkatay. Ang Allah (y) ay nagsabi, "(O, kayong Mananampalataya) Huwag kainin ang (laman o karne) ng anuman na ang Pangalan ng Allah ay hindi binanggit (habang kinakatay), katiyakang ito ay Fasq (pagsuway at pagkakasala sa Allah)…" ( Qur'an, Kabanata Al-An'aam, 6:121; )
-
Ang pagkain ng karne ng mga hayop na mayroong mga pangil, tulad ng mga leon, leopardo, lobo at ang mga katulad nito, at gayon din ang mga ibong may mahahabang kuko, tulad ng mga agila, mga palkon, mga lawin at ang mga ibang katulad nito. Sinabi ni Ibn 'Abbaas (d); "Ipinagbabawal ng Propeta ang pagkain ng mga hayop na kumakain ng kanilang kapwa hayop na may pangil, at ang mga ibong may mga mahahabang kuko (na pinansisilo sa kanilang mga biktima)." (Iniulat ni Imam Muslim)
-
Ang mga kinatay na hayop ng iba bukod sa mga Hudyo at Kristiyano ay itinuturing na bulok at ipinagbabawal na kainin. Ang Allah (y) ay nagsabi, "Sa araw na ito, pinahintulutan (at ginawang marapat) sa inyo ang mga Tayyibat (lahat ng mabubuti [Halal] na pagkain na minarapat ng Allah bilang pagkain sa inyo) mga laman (karne) ng mga kinatay na pinahintulutang kaining hayop, gatas at mga pagkain mula sa gatas, mga taba, gulay at prutas). Ang mga pagkain (mga kinatay at nakakaing hayop) ng Angkan (na pinagkalooban) ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) ay pinahihintulutan sa inyo at maging ang inyong (mga pagkain) ay pinahihintulot din sa kanila." Qur'an, Kabanata Al-Maa'idah, 5:5;
-
Ang lahat ng pagkain at inumin na nakapipinsala sa katawan ng isang tao, tulad ng sigarilyo at mga tulad nito ay ipinagbabawal. Ang Allah (y) ay nagsabi, "At huwag patayin ang inyong mga sarili (o di kaya ay magpatayan sa isa’t isa). Katiyakan, ang Allah ay Maawain sa inyo." Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:29;
-
Ipinagbabawal ang pagsuot ng seda, ginto at pilak para sa mga lalaki, ang mga ito ay ipinahihintulot sa mga kababaihan lamang. Ang Propeta ng Allah (s) ay nagsabi; "Ang pagsusuot ng seda at ginto ay ipinahintulot sa mga kababaihan ng aking pamayanan datapwa't ipinagbabawal para sa mga kalalakihan." (Iniulat ni Imam Ahmad)
Ipinahihintulot sa mga lalaki ang pagsuot ng pilak na singsing, sa sinturon at maglagay ng palamuti sa mga sandata.