Ang Paniniwala sa Mga Banal na Kasulatan ng Allah
Nararapat paniwalaan na ang Allah (y) ay nagpadala ng mga Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo upang ihatid ang mensahe sa lahat ng mga tao. Ang mga Aklat na ito sa kani-kanilang panahon ay naglalaman ng katotohanan at patnubay. Ang lahat ng mga Aklat na ito ay nag-aanyaya sa lahat ng tao na kumilala at sumamba lamang sa Nag-iisang Diyos, ang Dakilang Allah (y) , na Siya ang Tanging Nag-iisang Tagapaglikha, ang Nag-iisang Nagmamay-ari, at taglay Niya ang lahat ng Magagandang Katangian at Pangalan. Ang Allah (y) ay nagsabi "Tunay na Aming ipinadala ang Aming mga Sugo na may dalang maliwanag na mga patunay, at ipinahayag sa kanila ang Kasulatan at ang Pamantayan (ng Katarungan) upang panatilihin (at ipatupad) ng sangkatauhan ang (diwa ng) katarungan…"Qur'an, Kabanata Al-Hadeed, 57:25;
Ang Mga Ibang Banal na Kasulatan ay ang mga sumusunod;
-
Ang Suhuf (Kalatas) ni Propeta Abraham (a) at ang Tawrah (Torah) na ipinahayag kay Propeta Moises (a); Ang Qur'an ay nagbigay ng maikling pananaw tungkol sa mga kaalaman na naitala ng dalawang kapahayagang ito. Ang Allah (y) ay nagsabi, "Hindi ba Niya batid kung ano ang nasa Kasulatan ni Moises, at ni Abraham na tumupad (at nagparating) ng lahat (ng mga ipinag-utos ng Allah sa kanya), na nagtatagubilin na walang sinuman ang maaaring magdala ng pasanin ng iba (kasalanan ng iba), na ang tao ay walang mapapakinabang maliban lamang sa kanyang pinagsusumikapan (na mabuti o masama); at ang (bunga) ng kanyang pagsisikap (mga gawa) ay malalantad, Kaya't siya ay gagantihan nang ganap sa pinakamainam na kabayaran; at sa iyong Rabb (Panginoon) ang layon at pagbabalik ng lahat."Qur'an, Kabanata, An-Najm, 53:36-42;
-
Ang Tawrah: ito ay isang sagradong Aklat na ipinahayag kay Propeta Moises (a). Ang Allah (y) ay nagsabi, "Katotohanan, ipinadala Namin ang Tawrat (Torah) kay Musa, na matatagpuan roon ang patnubay at ang liwanag na siyang ginawang batayan ng paghatol sa mga Hudyo ng mga Propetang tumalima sa Kalooban ng Allah. At ang mga Rabbi at mga pari (ay naghatol din para sa mga Hudyo ng batay sa (Batas ng) Tawrat pagkaraan ng mga Propeta sapagka't sa kanila ipinagkatiwala ang pangangalaga sa Aklat ng Allah at sila ang naging mga saksi niyaon. Samakatuwid, huwag matakot sa mga tao kundi matakot sa Akin (kayong mga Hudyo) at huwag kalakalin (ipagpalit) ang Aking mga Talata para lamang sa kaaba-abang halaga. At sinuman ang hindi humatol ayon sa ipinahayag ng Allah, sila ang KafirunQur'an, Kabanata Al-Maa'idah, 5:44;
-
Ang 'Zaboor' (Psalmo): ay ang Aklat na ipinahayag kay Dawood (David) (a). Ang Allah (y) ay nagsabi, "… at kay Dawood (David) ay Aming ipinagkaloob ang Zaboor (Psalmo)." Qur'an, Kabanata 4:163;
-
Ang Injeel (Ebanghelyo): ay isang sagradong Aklat na ipinahayag kay 'Eisaa' (Hesus) (a). Ang Allah (y) ay nagsabi, "At sa kanilang yapak ay Aming isinugo si Hesus, ang anak ni Maria, na nagpapatunay sa Torah (mga Batas) na dumating nang una pa sa kanya, at Aming ipinagkaloob sa kanya ang Injeel (Ebanghelyo), na naririto ang patnubay at liwanag at pagpapatunay sa Torah (mga batas) na dumating bago pa rito, isang patnubay at paala-ala sa mga Muttaqi" Qur'an, Kabanata, Al-Maaidah, 5:46;
Ang isang Muslim ay nararapat na maniwala sa lahat ng mga nabanggit na Banal na Kapahayagan. Dapat tayong maniwala na ang mga aklat na ito ay nagmula sa Allah (y) . Hindi ipinahihintulot para sa sinumang Muslim na sumunod sa mga batas nito, sapagka't ang mga aklat na ito ay ipinahayag sa partikular na pamayanan o mamamayan at partikular na panahon. Bukod pa sa katotohanan na ang mga naunang kapahayagan ay wala na sa kani-kanilang orihinal na pagkakapahayag.
Ang Banal na Qur'an ay nagpaliwanag na ang ibang aral ay matatagpuan sa Tawrah at Injeel tulad ng pagdating ni Propeta Muhammad. Ito ay nakatala rin sa "… ang Aking Habag ay laganap sa lahat ng bagay. Na (ang Habag ay) Aking itatakda para sa mga Muttaqi, at nagbibigay ng Zakah; at yaong naniniwala sa Aming Ayat Yaong naging masunurin sa Sugo, ang Propeta na hindi marunong bumasa at sumulat na kanilang matatagpuang nakasulat sa kanila sa Tawrat at sa Injeel (Ebanghelyo- siya ay nag-uutos sa kanila ng Maruf (lahat ng uri ng kabutihan) at nagbabawal sa kanila ng Munkar (lahat ng uri ng kasamaan), kanyang ipinahintulot sa kanila bilang marapat ang mga bagay na Tayyibat (mabuti at pinahihintulutan) at nagbabawal sa kanila ang mga bagay na Khaba'ith (masama at di-pinahintuluan) bilang di-marapat, sila ay kanyang pinalaya sa anumang hirap na pasanin (ng kasunduan ng angkan ni Israel sa Allah) at mula sa mga sakal (o tanikala) na nakagapos sa kanila. Kaya, maniwala sa kanya (kay Muhammad), at sundin ang liwanag (ng Qur'an) na ipinahayag sa kanya, at (sa gayon) sila yaong magsisitagumpay." Qur'an, Kabanata Al-A'raaf 7:156-157;
- Ang Banal na Qur'an: ang isang Muslim ay nararapat na panghawakan ang paniniwala hinggil dito tulad ng mga sumusunod:
-
Kinakailangang maniwala na ang Qur'an ay Salita ng Allah (y) na ipinahayag kay Ang Propeta Muhammad sa pamamagitan ng Anghel Jibreel (a) sa malinaw na wikang Arabik. Ang Allah (y) ay nagsabi, "Na ibinaba ng isang Pinagkakapuring Ruh (ang Anghel Gabriel). Sa iyong puso (O Muhammad) upang ikaw ay maging isa sa mga tagapagbabala, sa malinaw na wikang arabik." Qur'an, Kabanata As-Shu'araa, 26: 193-195;
-
Kinakailangang maniwala na ang Qur'an ay Huling Kapahayagan na nagpapatunay sa mga naunang mga Banal na Aklat o Kapahayagan na naglalaman ng mensahe tungkol sa Kaisahan ng Allah (y) at ang mga nakatalagang tungkulin sa pagsamba at pagtalima sa Kanya (a). Na ang lahat ng mga naunang kapahayagan ay pinawalang-bisa ng Qur'an. Ang Allah (y) ay nagsabi, "Siya ang nagpahayag sa iyo (O Muhammad) ng Aklat (ang Qur’an) nang makatotohanan, na nagpapatunay sa anumang (ipinahayag na mga Kasulatang) nauna dito. At ipinahayag din Niya ang Tawrah (Torah) at ang Injeel (Ebanghelyo). noong una bilang patnubay sa sangkatauhan. At Kanyang ipinahayag ang Furqan ([ang pamantayan] ng paghatol sa pagitan ng katotohanan at kamalian). Tunay nga, yaong mga taong nagtatakwil sa Ayat (mga tanda, kapahayagan, babala at aral) ng Allah, sa kanila (ay ipalalasap) ang masidhing parusa; at ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang Ganap na Nakapangyayaring magpataw ng parusa." Qur'an, Kabanata Al-Imraan, 3:3-4;
-
Kinakailangang maniwala na ang Qur'an ay naglalaman ng lahat ng Banal na Batas. Ang Allah (y) ay nagsabi, "….Sa araw na ito, Aking ginawang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, Aking ginawang lubos ang pagpapala sa inyo at pinili para sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon….." Qur'an, Kabanata Al-Maaidah, 5:3;
-
Kinakailangang maniwala na ang Qur'an ay ipinahayag para sa Sangkatauhan at hindi lamang sa mga partikular na bansa tulad ng mga naunang rebelasyon. Ang Allah, (y) ay nagsabi, "At ikaw (O Muhammad) ay hindi Namin isinugo maliban bilang Tagapaghatid ng Magagandang Balita at Tagapagbabala sa lahat ng Sangkatauhan, subali't karamihan sa tao ay hindi nakababatid (nito)."Qur'an, Kabanata Saba, 34:28;
- Kinakailangang paniwalaan na pinangangalagaan ng Allah (y) ang Qur'an sa lahat ng uri ng paninira laban sa pagdaragdag o pagbabawas at pagpapalit o pagbabago ng mga salita nito. Ang Allah (y) ay nagsabi, "Katotohanang Kami; (at) Kami ang nagpanaog ng Dhikr (ang Qur'an bilang paalala) at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa katiwalian." Qur'an, Kabanata Al-Hijr, 15:9;
-
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Banal na Kasulatan ng Allah;
-
Ang lubos na mauunawaan ang Habag at pagmamahal ng Allah (y) para sa Kanyang mga alipin; sapagka't ipinahayag Niya ang mga Banal na Kasulatan nagpapatnubay sa kanila sa Landas na maghahatid sa Kanyang Kasiyahan. Hindi Niya hinayaang mabulid ang tao sa dilim ng kasamaan at iniligtas tayo sa bitag ng Satanas' o maligaw sa mga sariling pithaya o mithiin.
-
Sa pamamagitan ng Banal na Kapahayagan ay lubos na mauunawaan ng isang Muslim ang walang hanggang Karunungan ng Allah (y) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga batas na angkop sa mga partikular na pamayanan at akma sa kalagayan at mga pangangailangan ng tao sa lahat ng panahon.
-
Sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan ay tuwirang makilala ang mga matatapat at tunay na Mananampalataya at ang kaibahan nila sa mga di-muslim. Isang tungkulin sa mga naniniwala sa Kanyang Banal na Aklat na pag-aralan at maniwala sa mga ibang Banal na Kapahayagan.
-
Madagdagan ang mga mabubuting gawa ng mga Mananampalataya sapagka't ang sinumang naniniwala sa Kanyang Aklat at sa mga naunang Aklat ay makatatanggap ng gantimpala nang higit sa isa. Ang Allah (y) ay nagsabi, "Yaong sa kanila ay Aming ipinagkaloob ang Kasulatan (ang Tawrah at Injeel) bago pa man ito, sila ay naniwala (sa Qur'an). At nang ito ay bigkasin sa kanila, sila ay nagsabing: "Kami ay naniniwala rito. Tunay nga na ito ay katotohanan mula sa aming Rabb (Panginoon). Katiyakan na kahit noon pa man kami ay nabibilang sa mga Muslim (na sumusuko ng mga sarili sa Allah sa Islam (tulad ni Abdullah bin Salam at Salman Farsi). Sa kanila ay ipagkakaloob ang dalawang gantimpala sapagka't sila ay matiisin, at umiiwas sa kasamaan (sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan), at gumugugol (sa kawanggawa) mula sa anumang bagay na ipinagkaloob sa kanila." Qur'an, Kabanata Al-Qasas, 28:52-54;