Ang Pamamaraan ng Pagyakap sa Relihiyong Islam
Ang pagyakap sa Relihiyong Islam para maging isang Muslim ay walang itinakdang rituwal o seremonya na kinakailangang tuparin ng isang tao at wala ring takdang pook o ng mga partikular na tao na dapat kaharapin. Ito ay sa dahilang ang Islam ay tuwirang ugnayan ng tao at ng kanyang Tagapaglikha (ang Allah, U) na walang mga tagapamagitan.
At hindi rin kinakailangan ang labis na seremonya sa pagyakap sa Islam, kinakailangan lamang na magsabi ng ilang kataga na napakadaling bigkasin ng dila subali't ito ay mayroong mahalagang kahulugan at pananagutan.
Kung ang isang tao ay nagpasiya na maging isang Muslim, nararapat niyang bigkasin lamang ang sumusunod na ilang kataga na tinatawag na"Shahaadatain"
"Ash-hadu an laa ilaaha ill-Allah, wa ashhadu anna Muhammadan 'Abdullahu' wa rasooluh.
Ang kahulugan ay:
"Ako ay sumasaksi na walang ibang Tunay na diyos maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at Sugo."
Ang pahayag na ito ay siyang susi sa pagpasok sa Islam. Sinuman ang nagpahayag nito, siya ay tumatalikod na sa mga ibat-ibang relihiyon maliban sa Islam at maging sa lahat ng mga paniniwala na taliwas dito (sa Islam). Sa pamamagitan ng pagpahayag ng 'Shahaadatain', siya ay may karapatan na tulad ng mga karapatang tinatamasa ng mga ibang Muslim. Ang kanyang yaman, dangal at dugo ay naging sagrado maliban sa mga bagay na itinakda ng Islam.
Katotohanan, na ang isang tao ay itinuturing na Muslim sa panlabas niyang mga gawain, nguni't tanging ang Allah (y)
ang ganap na Nakababatid kung ano ang katotohanang nasa kaibuturan ng kanyang puso. Kaya, ano ang kahulugan ng 'Shahaadatain'.