Pagpapakilala
Lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah, U, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilikha. Nawa'y purihin at itampok ng Allah ang pagbanggit sa Propeta at iligtas siya at ang kanyang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan.
Ako ay taus-pusong bumabati sa inyo nang dahil sa patnubay na iginawad sa inyo ng Dakilang Allah, U. Dinadalangin ko sa Allah na nawa'y manatili tayong lahat na matatag bilang Muslim sa pagtahak sa Dakilang Relihiyong ito hanggang sa Araw na tayo ay humarap sa Kanya U, na wala tayong binago ng anupaman mula rito sa aral ng Islam at nawa'y huwag tayong ilagay sa mga matitinding pagsubok ng buhay.
Katotohanan, ang tunay na Muslim ay nakadarama ng malaking kaligayahan kapag ang isang tao ay yumakap sa Islam, sapagka't hangad niya ang lahat ng pagpapala para sa iba at hangad din niya na sila ay mamuhay tulad ng kanyang ginawa sa kanyang sarili: isang buhay ng katiwasayan at kaligayahan kalakip ng espirituwal na kasiyahan at katatagan ng kaisipan. Ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga aral ng Islam. Ang Dakilang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata An-Nahl, 16:97; Sinuman ang gumawa ng gawang matuwid maging siya man ay lalaki o babae, habang siya ay nananatiling isang tunay na Mananampalataya, katotohanan, ipagkakaloob Namin sa kanya ang magandang buhay (sa mundong ito nang matiwasay at mabuting panustos), at katiyakan na sila ay Aming babayaran ng gantimpalang ayon sa anumang pinakamabuti sa kanilang ginagawa
Paniniwala ng mga Muslim
Ang isang Muslim ay may paniniwala sa Ang Mga Mabubuting Bunga ng Iman (Paniniwala) sa Allah, Mga Anghel , Banal na Kasulatan ng Allah, Propeta at Sugo ng Allah Huling Araw 'Qadaa' at 'Qadar.
Magbasa pa +Ang 'As-Salaah'(Pagdarasal)
Pagkaraang magpahayag ng 'Shahaadah', isang tungkulin ang magsagawa ng pagdarasal (As-Salaah) ng limang ulit, sapagka't ito ang gulugod ng relihiyon, na kung ito ay hindi isinasagawa ng isang tao ang kanyang pagiging Muslim ay hindi maisasaalang-alang na ganap.
Magbasa pa +Ang Mga Kautusan ng Islam
Islam aims upang bumuo ng isang mahusay niniting lipunan, na kung saan ang mga indibidwal na ipakita ang kahabagan at pagmamahal sa isa't isa at maging halimbawa search.
Pagsamba sa 'Allah'
Mga kapatid, dapat nating malaman na ang pagsamba ay tungkulin ng lahat ng mga Muslim na may tamang pag-iisip at may tamang gulang. Ang pagsasagawa ng mga haligi ng Islam ay.